^
Pinas malalagay sa âserious troubleâ
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, pa­tuloy pa rin ang pagdarasal dahil patuloy ang pagtaas ng kaso na mahigit na sa 500,000.
STAR/ File

Pinas malalagay sa ‘serious trouble’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

‘Pag umabot sa milyon ang COVID-19

MANILA, Philippines — Nangangamba si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na umabot sa milyun-mil­yon ang kaso ng CO­VID-19 sa Pilipinas dahil malalagay sa “serious trouble” ang bansa.

Ayon kay Duterte, pa­tuloy pa rin ang pagdarasal dahil patuloy ang pagtaas ng kaso na mahigit na sa 500,000.

Sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan ng mga scientists at statisticians kung bakit patuloy na tumataas ang kaso na posibleng sanhi ng mga nakaraang kumpulan ng mga mamamayan o kaya ay dahil sa paglabas upang magtrabaho.

Aminado ang Pa­ngulo na walang bansa na ma­aaring pumigil sa paglabas ng lahat ng mamamayan maliban na lamang kung hindi na masugpo at maging salot.

Posibleng gumamit na siya ng “draconian measures” upang manatili sa loob ng mga bahay ang lahat kung namamatay na ang mga tao sa mga kalsada.

Pero aminado rin ang Pangulo na magiging malaking problema ang kakainin lalo na ng mga mahihirap kung mamamatay ang ekonomiya dahil wala ng nagtatrabaho.

Muling binanggit ng Pangulo na makakatulong ang pagsunod sa protocols katulad nang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at social distancing.

Nagpaalala rin ang Pangulo sa mga mamamayan sa tamang pasusuot ng face masks.

Napapansin kasi niya na may mga nakalabas ang ilong.

Sabi ng Pangulo na bagaman hindi 100 porsiyento ang katiyakan na hindi na magkakaroon ng COVID-19 ang nagsusuot ng face masks, pero nagkakaroon ito ng 80% proteksiyon kung sinusuot ng tama.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with