^
Duterte ok sa face-to-face classes sa med schools
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan ang pagtungo ng mga estudyante sa higher educational institutions na nasa ilalim ng modified general community qua­rantine (MGCQ) at ilang eskuwelahan sa general community quarantine (GCQ) na may hospital base para sa COVID-19 patients.
Image by StockSnap from Pixabay

Duterte ok sa face-to-face classes sa med schools

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face classes para sa medical at allied health programs.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan ang pagtungo ng mga estudyante sa higher educational institutions na nasa ilalim ng modified general community qua­rantine (MGCQ) at ilang eskuwelahan sa general community quarantine (GCQ) na may hospital base para sa COVID-19 patients.

Ilan sa mga unibersidad na pinayagang magsagawa ng face-to-face classes ay ang University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University, at Our Lady of Fatima University sa Valenzuela.

Sinabi ni Roque na ginawa ang desisyon upang hindi maubusan ng doktor at allied medical professionals sa bansa.

Una nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang face-to-face clinical internship program sa UP-PGH.

Matatandaan na unang ibinasura ni Duterte ang pagdaraos ng lahat ng uri ng face-to-face classes hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19 upang maproteksiyunan ang mga estudyante.

Samantala, sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na ang ibang paaralan na nais magsagawa ng limited face-to-face classes ay kailangan munang mag-submit ng application sa kagawaran.

Sa oras na matanggap ng CHED ang aplikasyon ay saka lamang magtutungo sa campus ang mga ito upang mag-inspeksyon kung masusunod ng eskwelahan ang requirements para sa face-to-face classes.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with