^
Itâs final! Duterte magpapaturok sa puwet
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi siya sa braso tuturukan.
STAR/ File

It’s final! Duterte magpapaturok sa puwet

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maaaring ipakita sa publiko ang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID -19 dahil gusto nito ay sa puwet turukan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ng Pangulo dahil hindi siya sa braso tuturukan.

“I think so (gagawing pribado), he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” ani Roque.

Nauna rito, mismong si vaccine czar at National Task Force COVID -19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang humiling sa Pangulo na tumulong sa kampanya upang mas tumaas ang tiwala ng publiko sa bakuna.

“Ito po ang medyo may problema po tayo na tala­gang dapat po pagtulungan po natin. Alam po namin na malaki po ang maitutulong ng ating Mayor, Presidente, Mr. President, kasi po talagang bumababa po ‘yung willingness at saka ‘yung uptake ng ating mga kababayan dahil nga po sa mga tinatawag nating mga nakikitang mga adverse effect ng certain brands,” ani Galvez.

Ayon pa kay Galvez, malakas sa social media ang mga anti-vaxxers o kontra sa bakuna.

Sinabi naman ni Roque na mahalaga ang papel ng Pangulo sa communication plan at mismong ang Pangulo pa ang endorser ng mask, hugas, iwas.

Matatandaan na unang sinabi ni Duterte na isasapubliko ang kanyang pagpapabakuna na imposible nang mangyari kung sa puwet ito tuturukan.

COVID -19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with