^
âDi pagpapalabas sa 10-14 anyos sa MGCQ areas, suportado ng DepEd
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala silang problema o agam-agam sa desisyon ng Pangulo.
STAR/Geremy Pintolo, file

‘Di pagpapalabas sa 10-14 anyos sa MGCQ areas, suportado ng DepEd

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ni Pangulong. Rodrigo Duterte na bawiin ang planong payagan na ang mga batang 10 hanggang 14-taong gulang na makalabas na ng kanilang tahanan, sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala silang problema o agam-agam sa desisyon ng Pangulo.

Aniya, nauunawaan nila sa DepEd ang desisyon ng Pangulo, lalo na at nang isagawa naman aniya ang desisyon na payagan nang luwagan ang age restriction sa mga bata ay wala pa namang nade-detect na mga kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa.

“Kami po ay pumapayag dahil may batas na tayo na nagsasabi na ang Presidente ang magdedesisyon tungkol sa pagbukas at pagsara ng ating mga programa sa DepEd, on the recommendation of the DepEd,” ayon kay Briones.

Ssa Pebrero 1 sana ay papayagan na ang mga batang 10-14 taong gulang na makalabas ng kanilang tahanan sa MGCQ areas.

Gayunman, nitong Martes binawi ni Duterte ang desisyon ng IATF dahil na rin sa banta ng UK variant ng COVID-19.

Related video:

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with