^

Ospital sa Davao de Oro, Baguio City nasa critical level

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa critical level na ang health care utilization sa Davao de Oro at Baguio City.

Sa ulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte, halos puno na ng mga pasyenteng may COVID-19 ang mga ospital sa mga nabanggit na lugar.

Sinabi rin ni Duque na nasa “high utilization rate” naman ang COVID hospital beds sa Nueva Vizcaya at Agusan del Norte. Posible aniya na hilingin nila sa Pangulo na magkaroon nang pagbabago sa community quarantine sa mga nabanggit na lugar.

Sinabi rin ni Duque na patuloy na nakikipagtulungan ang health department sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga kinauukulang local government units para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

Inaasahang iaanunsiyo ng Pangulo ang mga magiging pagbabago sa mga umiiral na community quarantine para sa buwan ng Pebrero.

FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with