^

Bansa

Urong-sulong?: DepEd 'G na G' ibawal uli 10-14 anyos sa labas ng bahay

James Relativo - Philstar.com
Urong-sulong?: DepEd 'G na G' ibawal uli 10-14 anyos sa labas ng bahay
Nakasuot ng face masks laban sa COVID-19 ang mga pasaherong ito ng luxury cruise ship sa Maynila habang bumibisita sa isang theme park, ika-29 ng Enero, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Walang problema ang Kagawaran ng Edukasyon sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bawalan uli sa ng bahay ang mas maraming menor de edad sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic — kahit una na itong pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ika-1 ng Pebrero dapat ay papayagan na ng IATF lumabas ang mga bata sa MGCQ areas ngunit binawi ito ni Duterte, Lunes nang gabi, dahil sa banta ng United Kingdom variant ng COVID-19.

Basahin: 10-14 year-olds pwede na lumabas ng bahay sa MGCQ areas sa Pebrero — IATF

May kinalaman: Duterte revokes IATF decision allowing minors in MGCQ areas to go out

"Wala kaming problema riyan, agam-agam. Naiintindihan namin kasi noong ginawa ang desisyon na 'yan [ng IATF] hindi pa namin nakikita kung gaano kaseryoso ang threat ng mga... bagong variants ng COVID-19 [sa bata]," ani Education Secretary Leonor Briones, Martes.

"Karapatan ng presidente na siya ang magde-decide."

Dati nang ipinapanawagan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagluluwag ng mga nasabing age restriction sa paglabas-labas dahil 50% aniya ng economic activities ay nagmumula sa mga aktibidad ng pamilya.

Sa kabila niyan, ilang menor de edad na ang tinatamaan ng "mas nakahahawang" UK variant sa probinsya ng Bontoc kamakailan — lugar kung saan natuklasan ang pinakamaraming infections nito.

Basahin: DOH: Minors among new variant cases in Bontoc

May kinalaman: 34 close contacts ng 'UK variant cases' sa Bontoc nahawaan ng COVID-19

Duterte: Nag-iingat lang tayo

"So balik ho kayo sa bahay muna and besides 10 o — ‘yung 10 years old to 14 Itong medyo matanda na mahirap ito i-manage but itong mga 10, 11, 12 puwede na ‘yan sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day," ani Duterte kagabi.

"Pasensiya na po kayo. Mine is just a precaution... Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children. Itong original na COVID, hardly if at all, na wala kang marinig na may bata. Mayroon one or two and you can count it by the fingers of your hands kung ilan ang bata na tinamaan."

Ayon pa kay Briones, naroon sila nang magdesisyon ang IATF na luwagan ang age restrictions lalo na't binabalanse aniya ang pangangailangan sa ekonomiya, kalusugan at edukasyon.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 514,996 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. 10,292 na sa kanila ang patay sa ngayon.

"Kaya noong nagdesisyon na ang presidente na ipagpaliban muna 'yung pag-allow ng mga bata from 10-14 years old sa MGCQ areas and provinces, kami ay pumapayag dahil may batas na tayo na nagsasabi na ang presidente ang magdedesisyon tungkol sa pagbukas, pagsara ng ating mga programa sa DepEd," aniya.

Sa kabila nito, inilinaw ngayong araw ni presidential spokesperson Harry Roque na tuloy pa rin ang nakatakdang face-to-face classes ng mga medical students at allied health sciences dahil kakailanganin daw ang mas maraming doktor sa panahon ng pandemya.

Pagbalanse ng ekonomiya sa kalusugan

Sa kabila ng pag-atras ng presidente sa desisyon ng IATF, ipinagkibit-balikat muna ng Malacañang ang payo ng ilang economic advisers tungkol sa "negatibong tama" ng mga ipinatutupad na age restrictions sa labas ng bahay.

Sa kasalukuyan, tanging 15-anyos pataas lamang ang pwedeng mamasyal-masyal at lumabas ng bahay para sa iba't ibang aktibidades.

"Wala pong isyu 'yan dahil unang-una, tinitignan lang naman natin kung ano ang epekto ng new variant sa kabataan," wika ni Roque.

"Kung maging malinaw pona wala naman masyado pong epekto 'yan sa kabataan, bakit hindi naman po ano?"

Aniya, wala namang inconsistency sa pagkambyo ng Palasyo lalo na't inaaral pa raw ng buong mundo ang epekto ng new variant sa kalusugan ng populasyon.

Malapit na rin naman daw matapos ang problema sa COVID-19 lalo na't magsisimula na ang pagbabakuna pinakamaaga sa Pebrero: "Konting antay lang po," kanyang panapos.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

HARRY ROQUE

LEONOR BRIONES

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with