^
AFP nag-sorry sa NPA list
Ayon sa AFP, iniim­bestigahan na kung paano nalathala ang listahan. Titiyakin niyang mananagot ang responsable sa pagkakalathala ng mga listahan.
Edd Gumban/File

AFP nag-sorry sa NPA list

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa maling lista­han ng umano’y mga mi­yembro ng New People’s Army (NPA), humingi ng tawad ang Civil-Military Operations Office (J7) ng  Armed Forces of the Philippines.

“We sincerely apologize for those who were inadvertently affected by inconsistencies regarding the List of Students who joined the NPA (Died or Captured) that was posted in the AFP Information Exchange Facebook account,” ayon sa Facebook page ng AFP.

Agad ding inalis ang  artikulo sa  FB ng  AFP.

Una nang pumalag ang mga nasa listahan maging ang pamunuan ng UP dahil anila wala itong basehan at walang katotohanan.

Ayon sa AFP, iniim­bestigahan na kung paano nalathala ang listahan. Titiyakin niyang mananagot ang responsable sa pagkakalathala ng mga listahan.

Siniguro naman ng AFP na hindi na mauulit ang nasabing insidente. Mananatili na para sa ikabubuti ng bansa ang kanilang ilalathala sa social media.

Sinabi ng ilang opis­yal ng militar na dapat magsori ang mga ito sa naging alegasyon.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with