^
Telcos, nagsumite na ng roll-out plan sa NTC
Ipinagmalaki ng NTC na sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic, ang internet speed ng ating bansa ay patuloy na bumibilis sang-ayon sa ulat ng Ookla nitong nakaraang December 2020.
Pixabay

Telcos, nagsumite na ng roll-out plan sa NTC

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinasumite na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang roll-out plans ng lahat ng public telecommunications upang masiguro na tuluy-tuloy ang pagpapabilis sa internet speed at iba pang telco services ng bansa nitong Enero 20.

Una nang naglabas ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020 sa telcos para mapagbuti ang kanilang mga serbis­yo.

Magsasagawa rin ng buwanang pagpupulong ang NTC at Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang mga telcos upang masigurong ginagawa nila ang kanilang mga isinumiteng roll-out plan. Tutulong naman ang NTC at DICT sa telcos sa anumang kakaharaping problema sa implementasyon ng mga roll-out plan lalo na sa usapin ng “red tape”. 

Ipinagmalaki ng NTC na sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic, ang internet speed ng ating bansa ay patuloy na bumibilis sang-ayon sa ulat ng Ookla nitong nakaraang December 2020.

Sa halos 120 mil­yong speedtests na isinagawa sa ating bansa noong 2020 ay iniulat ng Ookla na 297.47% ang improvement sa ating internet average download speed sa fixed broadband at 202.41% naman para sa mobile broadband mula noong 2016 kung kailan nagsimula ang administrasyong Duterte.

 

NTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with