^

‘ISDApp’ para sa mangingisda inilunsad

(Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga kababayan na­ting mangingisda. Ang Globe, sa pakikipagtulu­ngan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Region IV-A at sa National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), ay maglulunsad ng ISDApp. 

Mula sa developer nitong iNON IT Solutions, ang ISDApp ay naglalayong matulungan ang mga komunidad ng mga kababayan nating mangi­ngisda sa paghahatid ng pinakabagong lagay ng panahon sa kanilang lugar. 

Sa pamamagitan ng community application na ito, mas mapaplanong maigi ng mga mangingisda ang kanilang pagpapalaot nang hindi na nanga­ngailangan ng smartphone o internet connection. 

Ang pilot testing ng nasabing app ay magaganap sa unang bahagi ng taon. Nasa 300 mangingisda sa pitong barangay sa baybayin ng Sariaya, Quezon ang unang makikinabang sa naturang app. 

Paliwanag ni Yoly Crisanto, Senior Vice President para sa Corporate Communications at Chief Sustainability Officer ng Globe, para magamit ang app, ang community leader ng bawat lugar ang siyang magiging “Community Controller.”

Ang ISDApp ay ii-install sa kanyang smartphone na siya namang magbibigay ng ISDApp community number para sa kanilang lugar. 

Dito maaaring mag-register ng libre ang iba pang mga mangingisda sa komunidad sa pamamagitan ng SMS o text message. Sa pamamagitan nito, makakatanggap na ang mga miyembro ng pinakabagong ulat ng panahon sa kanilang lugar bago pa man sila makapalaot.

 

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with