^
1,581 new COVID-19 cases naitala ng DOH sa pagsipa nito sa 514,996
Nakasuot ng face mask laban sa COVID-19 ang mga pasaherong ito habang nakasakay ng jeep
The STAR, File

1,581 new COVID-19 cases naitala ng DOH sa pagsipa nito sa 514,996

(Philstar.com) - January 25, 2021 - 4:05pm

MANILA, Philippines — Napatungan pa ng 1,581  karagdagang pasyente ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ngayong Lunes, bagay na nagdadala sa bilang ng nahawaan sa 514,996.

Sa bilang na 'yan, 29,282 ang "aktibong kaso" o 'yung nagpapagaling pa rin magpahanggang sa ngayon, ayon sa bagong datos ng Department of Health (DOH).

Nasa 50 naman ang bagong ulat na patay dahilan para umariba sa 10,292 ang total domestic deaths. Sa kabila niyan, higit na marami ang magaling na sa sakit sa 475,422.

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Quezon City, 89 (general community quarantine)
  • Cebu City, 88 (modified general community quarantine)
  • Cavite, 80 (MGCQ)
  • Davao City, 78 (GCQ)
  • Cebu, 50 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw?

Ngayong araw lang nang kumpirmahin ng Kagawaran ng Kalusugan na umabot na sa 17 ang tinatamaan ng mas nakahahawang United Kingdom variant ng COVID-19 sa Pilipinas — 12 dito mula sa Bontoc, Mt. Province.

Sa mga nakasalamuha ng 12 na katao 'yan, 38 ang sinasabing nagpositibo sa COVID-19. Sa kabila niyan, anim pa lang sa kanila ang natitiyak na walang UK variant ng sakit dahil 28 pa rito ang ise-sequence pa lang.

Basahin: 34 close contacts ng 'UK variant cases' sa Bontoc nahawaan ng COVID-19

Bagama't may lockdowns na sa ilang barangay ng Bontoc gaya ng Samoki, hindi pa naman inirerekomenda ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga "total lockdown": "Mukhang nagwo-work naman sa atin ang granual lockdowns, 'yung mga localized lockdowns na isinasagawa natin para hindi naman masyado magkaroon ng burdens ang ating ekonomiya," ayon sa DOH official kanina.

"So we will continue to implement this until that time when the parameters would tell us... that we should have another form of strict restrictions."

Umaabot na sa halos 97.5 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 2.11 milyon na ang binawian ng buhay. — James Relativo at may mga ulat mulakay Xave Gregorio

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with