^
10-14 anyos puwede lang lumabas ng bahay kung kasama ang magulang
Ito ang nilinaw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease sa gitna ng pangamba ng ilang sektor tungkol sa pagluluwag sa age restrictions sa Pebrero matapos ang pagsulpot ng UK COVID-19 variant sa bansa.
Michael Varcas, file

10-14 anyos puwede lang lumabas ng bahay kung kasama ang magulang

Alexis Romero (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makakalabas lamang ng bahay ang mga batang edad 10-14 taong gulang kung kasama ang kanilang mga magulang.

Ito ang nilinaw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease sa gitna ng pangamba ng ilang sektor tungkol sa pagluluwag sa age restrictions sa Pebrero matapos ang pagsulpot ng UK COVID-19 variant sa bansa.

Ibinaba ng IATF ang edad ng mga puwedeng lumabas ng bahay mula sa 15 anyos sa 10-taong gulang para makatulong sa nagbukas na ekonomiya na matinding pinadapa ng COVID-19.

Ang bagong age res­trictions ay magiging epek­tibo lamang sa MGCQ areas simula sa Pebrero 1.

“We will release a new clarificatory resolution stating that children should be accompanied by their parents so they can be supervised,” ayon kay Cabinet Secretary at IATF co-chairperson Karlo Nograles.

Sabi ni Nograles, kum­para sa ibang mga bansa, mas istrikto ang Pilipinas pagdating sa mga bata.

“Based on the survey we conducted on what other countries are doing, we are the most restrictive when it comes to children. We have already relaxed the age restriction. From 18 to 60 years old, we expanded it (the age of people who are allowed to go out) to 15 to 65 years old and we did not detect any surge (in infections) then,” wika pa ni Nograles.

Anya, ang mga batang 10 anyos pataas ay nakakaintindi na ng kahalagahan ng safety measures gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, physical distancing at madalas na paghuhugas ng kamay.

“Because we saw that after the Christmas holiday, our cases per day are somewhat manageable, we decided to lower the age restriction to ten,” ayon pa sa cabinet secretary.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with