^
Saliva test larga na ngayon
Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC Molecular Laboratories, na sisimulan na nilang gamitin ang saliva tests sa Mandaluyong Molecular Laboratory at available din ito sa Molecular Laboratory sa Port Area, sa Maynila.
Philippine Red Cross

Saliva test larga na ngayon

Ludy Bermudo, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasunod ng pag-apruba ng Department of Health (DOH), agad nang sisimulan ng Philippine Red Cross ang saliva COVID-19 test method ngayong Lunes.

Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC Molecular Laboratories, na sisimulan na nilang gamitin ang saliva tests sa Mandaluyong Molecular Laboratory at available din ito sa Molecular Laboratory sa Port Area, sa Maynila.

Habang patuloy din aniya ang gagawing pagsasanay sa mga tauhan nito upang dalhin na rin sa mga lalawigan ang nasabing proseso. Pagsapit ng Pebrero, lahat ng 13 molecular laboratories ng PRC sa bansa ay gagamit na rin ng naturang paraan ng pagsusuri.

Sinabi naman ni PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon, na pagsapit ng Pebrero 5 ay dadalhin na nila ang saliva test sa mga lalawigan.

Natapos na ng PRC noong nakalipas na linggo ang extension ng kanilang pilot run sa saliva-based testing method na gumamit ng 1,080 samples.

Sa ilalim ng saliva test, kinakailangan lamang ng isang tao na dumura sa isang sterile vial kaya less invasive ito kumpara sa swab test.

Mas mura rin ito sa swab test na aabot lang ng hanggang P2,000 at mas mabilis din ang resulta na hanggang tatlong oras.

Bago sumailalim sa saliva test ang isang indibidwal ay hindi siya maaaring kumain, uminom, magmumog, manigarilyo o gumamit ng vape sa loob ng kalahating oras.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng PRC ang pag-apruba ng DOH sa paggamit ng saliva test sa mga paliparan.

DOH PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with