^
Lorenzana, UP prexy magpupulong
“I have asked a friend to facilitate my meeting with Atty. Concepcion sometime next week,” ani Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Michael Varcas, file

Lorenzana, UP prexy magpupulong

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang maki­pagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion sa susunod na linggo upang talakayin ang nilusaw na kasunduan.

“I have asked a friend to facilitate my meeting with Atty. Concepcion sometime next week,” ani Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, naisip din niyang bigyan ng pagkakataon ang UP na ipaliwanag at sagutin ang kanilang mga katanungan sa ilang mga isyu.

Pagkakataon na ito ng UP na ipakita sa pamahalaan na kaisa nila ito sa pagbibigay ng proteksiyon sa bawat Pilipino at pagpapanatili ng kapa­yapaan sa bansa.

Una nang umapela si Concepcion sa DND na irekonsidera ang unila­teral abrogation na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at sundalo sa UP campus ng walang koordinasyon sa pamunuan nito.

Ani Lorenzana, ang ‘deadly recruitment” ng mga UP students ang dahilan ng terminasyon ng agreement. Hindi umano makatarungan na nadadamay at namamatay ang mga estudyante sa mga maling ipinaglalaban.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with