^

10-14 anyos ‘wag muna palabasin - Bong Go

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Bong Go sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emer­ging Infectious Diseases na pag-aralang muli ang pagpayag nilang makalabas na ng bahay ang mga batang nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang.

Ayon kay Go, delikado pa ang sitwasyon at bilang patunay, 3 sa 16 na bagong kaso ng COVID-19 ay edad 5, 10 at 18 years old.

Idinagdag pa ng senador na delikadong mas kumalat ang virus sa mga bata lalo pa at malilikot ang mga ito at mahirap kontrolin kapag lumabas ng bahay.

Kaya malaki umano ang posibilidad na ma­ging dahilan ito ng mas mabilis at mas maraming mahawa sa COVID-19 lalo pa at karamihan sa mga batang positibo sa virus ay asymptomatic.

Binigyang diin ni Go na wala namang dahilan para magmadali sa pagluluwag sa restriction partikular sa mga bata.

Sa ngayon ay mas mabuti umanong hintayin na lang na magkaroon ng bakuna sa bansa laban sa COVID-19 na inaasa­hang darating na ngayong Pebrero.

BONG GO IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with