^
16 pa nagpositibo sa UK COVID-19 variant
Kinumpirma ng DOH na 12 residente sa Bontoc, Mountain Province ang nag-positibo sa UK variant.
AFP/Ted Aljibe

16 pa nagpositibo sa UK COVID-19 variant

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 17 ang bilang ng mga tinamaan ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 virus sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Kinumpirma ng DOH na 12 residente sa Bontoc, Mountain Province ang nag-positibo sa UK variant.

Kabilang sa 12 ang pitong lalaki at limang babae. Ang tatlo sa kanila ay nasa edad 18-anyos pababa at tatlo ang higit 60-years old.

Ang dalawa naman ay OFWs na dumating sa Pilipinas mula sa Lebanon noong Disyembre 29, 2020 sakay ng PAL flight PR8661. Isa ay 64-anyos na babae na may address na Jaro, Iloilo City na na-isolate sa San Juan, Metro Manila at na-discharge noong Enero 9. Ang isa ay 47-anyos na babae na taga-Binangonan, Rizal at na-quarantine sa New Clark City at na-discharge noong Enero 13.

Ang dalawa pa ay kapwa mga pasyente mula sa La Trinidad, Benguet at Calamba City, Laguna. Isang 23-anyos ang taga Laguna na nag-negatibo naman sa swab results nitong Enero 16, habang ang taga Benguet ay kasalukuyan pang nasa quarantine facility. Sila ay walang naging contact sa kumpirmadong kaso at wala ring travel history sa labas ng bansa.

Mula sa 16 na nadagdag, tatlo na raw ang gumaling sa COVID-19, 13 ang active cases, kung saan tatlo ang asymptomatic at 10 ang may mild na sintomas.

Samantala, ang unang kaso ng UK variant na lala­king taga-Quezon City na nagbiyahe sa Dubai noong Disyembre 27 at bumalik sa bansa noong Enero 7 ay nag-negatibo na sa virus.

Nangako ang DOH na palalakasin pa ang biosurveillance kasama ang Philippine Genome Center para ma-detect ang mga bagong variant ng COVID-19.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, ang bagong variant ng coronavirus ay tinawag na B.1.1.7 na natuklasan sa UK na may hindi karaniwang bilang ng mutation.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with