^
Laway puwede na sa swab test â DOH
Sinabi ni DOH Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naiprisinta na ang pilot run sa saliva specimen test ng Philippine Red Cross.
Philippine Red Cross

Laway puwede na sa swab test – DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng ‘go signal’  ang laboratory experts panel ng Department of Health (DOH) na gamitin bilang alternatibong pagtukoy sa COVID-19 ang laway o  saliva specimen.

Sinabi ni DOH Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naiprisinta na ang pilot run sa saliva specimen test  ng Philippine Red Cross.

“It was agreed by the laboratory experts panel na pwede nang payagan ... gamitin ang saliva as an alternative specimen,” ani Vergeire.

Aniya, naipadala na rin kay Health Secretary Francisco Duque III ang naging rekomendasyon ng panel at ipinarating na rin ang desisyong ito sa Philippine Red Cross.

Sa kasalukuyan, ang pinapayagan lamang na gumamit ng saliva test ng laboratory experts panel ay  ang PRC laboratories.

Bago aniya, payagan ang iba pang laboratoryo sa buong bansa sa paggamit ng saliva specimen, kailangan muna nilang makita ang resulta ng validation tests ng Research Institute for Tropical Medicine.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with