^
Pamilya ng mga pulis at sundalo kasama sa prayoridad sa bakuna – Duterte
Sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na uunahin ang mga mahihirap at mga pulis at sundalo dahil hindi makakagalaw ang gobyerno kung wala ang mga ito.
Noel Celis/AFP/File

Pamilya ng mga pulis at sundalo kasama sa prayoridad sa bakuna – Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa prayoridad na mabibigyan ng bakuna ang pamilya ng mga pulis at sundalo.

Sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu, sinabi ng Pangulo na uunahin ang mga mahihirap at mga pulis at sundalo dahil hindi makakagalaw ang gobyerno kung wala ang mga ito.

Ipinasama rin ni Duterte kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pamilya ng mga uniformed personnel.

“So ‘yung lahat sabi ko una ‘yung mga mahirap. Iyon talagang mga mahirap na isang tuka, isang kahig. Unahin ko ‘yon pati ‘yung uniformed service kasi eh kung paano kung magkasakit itong lahat. Paano --- how can we function a government with a sick soldier or policeman in your midst.

“So ang sunod niyan is --- mauna kayo. And if the Secretary Galvez would --- sabihin ko sa kanya kasali na ‘yung pamilya ninyo. Magpunta ‘yung mag-inject sa mga kampo, tuturukan pati ‘yung mga anak ninyo. So ito lahat libre ito. Libre ‘to. So that you would depend… Para hindi kayo mag-worry kung nandiyan na na ano kayang mangyari. Eh ano ito --- this is a very vicious microbe,” ani Duterte.

Ikinuwento rin ng Pangulo na apat sa kanyang ka-batch sa College of Law Class ‘72 ang pumanaw na pero hindi binanggit kung dahil sa COVID-19.

“At saka kaming lahat na karamihan sa mga kaklase ko, sa ka-batch ko, classmate ko, apat ang patay kasi matanda na. Kaya rin ako takot baka kasali na ako doon sa mag-expire sa aming Class ‘72 sa College of Law. Namamatay eh, diretso. So iyan ang… Pasensiya na kayo. I have to inject something,” ani Duterte.

Muli ring kinilala ni Duterte ang kabayanihan ng mga pulis at sundalo at nagpahatid nang pakikiramay sa pamilya ng mga namatayan.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with