^

Wala pang local transmission ng UK variant – DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa maituturing na may local transmission na ng bagong COVID-19 variant sa bansa kahit may dalawa sa 16 bagong kumpirmadong tinamaan ng virus ang walang travel history.

Sa online press briefing,  sinabi ni  Research Institute for Tropical Medicine director Dr. Celia Carlos na “premature” pa para sabihin na may local transmission na dahil may mga standards o pamantayang inilatag ang mga eskperto upang matukoy kung mayroong community transmission.

“Considering that investigation is ongoing it may be premature to say whether there’s an ongoing community transmission,” ani Carlos.

Kabilang sa pamantayan ang pagtukoy sa malaking bilang ng kaso na hindi maiuugnay sa pamamagitan ng ‘transmission chains’, may ma­laking bilang ng kaso mula sa iba’t-ibang panig o pinagmulan at ang ‘multiple unrelated clustera’ sa ilang lugar sa bansa.

Sang-ayon naman si Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group ng DOH, na nagsabing sa kasalukuyan, wala pang ebidensiya na may hawaan o community transmission dahil may isang cluster lang aniya ang masasabing magkaka-ugnay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with