^
10-anyos pwede nang lumabas sa MGCQ areas
Bakas ang saya sa mga bata habang naglalaro sa Baseco, Tondo sa Maynila. Pinayagan na ng IATF na makalabas ng bahay ang mga edad 10-65 anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ simula sa Pebrero 1, 2021.
Michael Varcas

10-anyos pwede nang lumabas sa MGCQ areas

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makalabas ng bahay ang mga 10 taong gulang hanggang 65-anyos sa mga lugar na nasa ila­lim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kasabay ng paglilinaw na ang 10-anyos pababa at 65-an­yos pataas ay kailangang manatili sa kanilang mga bahay.

Ang desisyon ng IATF ay dahil sa kahi­lingan ng Department of Trade and Industry (DTI) na pababain ang edad ng mga papayagang makalabas ng bahay para sumigla ang ekonomiya ng bansa.

Ang nasabing kautusan ay ipapatupad sa Pebrero 1, 2021.

Habang hinikayat din ng IATF ang Local go­vernment units (LGUs) na nasa ilalim pa ng ge­neral community quarantine (GCQ) na sumunod sa nasabing panuntunan.

“Local government units (LGUs), on the other hand, are enjoined to adopt the same rela­xation of age-restrictions for areas under General Community Quarantine (GCQ),” sinabi pa ni Roque.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with