^
Swab test sa ika-5 araw aprub ng IATF
Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukod pa ito sa mandatory swab test pagdating ng mga pasahero mula sa 34 bansang pinatawan ng travel restriction ng Pilipinas.
The STAR/Michael Varcas, file

Swab test sa ika-5 araw aprub ng IATF

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang dagdag seguridad laban sa COVID-19, ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa swab test sa ika-5 araw ng pagdating dito sa Pilipinas ng mga biyahero mula sa ibang bansa.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukod pa ito sa mandatory swab test pagdating ng mga pasahero mula sa 34 bansang pinatawan ng travel restriction ng Pilipinas.

Sa inilabas na panibagong protocol ng IATF, ang mga bagong dara­ting sa bansa ay manati­ling naka-quarantine sa loob ng 14 araw hanggang sumailalim muli sila sa COVID test sa ikalimang araw ng pa­nanatili dito.

Ang hakbang ng IATF ay base sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) matapos na makapasok sa bansa ang UK variant ng COVID-19 at magpositibo nito ang isang 29-anyos na lalaki na nanggaling sa Dubai. Nagnega­tibo ang pasyente sa unang test subalit nagpositibo matapos ang re-swabbing.

Samantala, nilinaw ni Roque na ang mga dayuhan na personnel ng isang international organizations kasama ang kanilang asawa at mga anak na Filipino citizen na babalik dito sa bansa ay exempted na sa travel ban subalit kailangan pa rin nilang sumailalim sa quarantine at testing protocol.

Habang ang mga dumating naman para sa medical at emergency cases kabilang ang kanilang medical escorts ay sasailalim pa rin sa testing at quarantine protocols na itinakda ng DOH.

Ang karagdagang hakbang ng IATF ay bilang pagpapaigting sa seguridad upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng UK variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakakahawa.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with