^
Duterte hihikayating magpabakuna sa harap ng publiko - Duque
Tugon ito ni Duque sa sinabi ni Sen. Nancy Binay sa pagdinig ng Senate Committee of the whole kaugnay sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno na baka magandang kampanya para sa pagbabakuna kung makikita ng publiko si Pa­ngulong Duterte.
Presidential Communications Operations Office

Duterte hihikayating magpabakuna sa harap ng publiko - Duque

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihikayatin umano ni Health Secretary Francisco Duque III si Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko.

Tugon ito ni Duque sa sinabi ni Sen. Nancy Binay sa pagdinig ng Senate Committee of the whole kaugnay sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno na baka magandang kampanya para sa pagbabakuna kung makikita ng publiko si Pa­ngulong Duterte.

Iginiit naman ng kalihim na hihikayatin niya ang Pangulo subalit irerespeto pa rin niya ang desisyon nito.

Tinanong din ni Binay kung kukuha sila Duque ng mga endorser para ipakita sa publiko na ligtas magpabakuna kontra COVID-19 virus.

Sagot naman ni Du­que na aanyahan nila para sabayan sa pagpapabakuna sina Binay, Senate President Vicente Sotto III, Sen. Panfilo Lacson at iba pang senador.

Subalit sagot ni Binay huwag na siya dahil takot siya sa karayom at baka hindi siya maging epektibong endorser.

Para naman kay Sotto papayag siya subalit baka kwestiyunin na naman siya kung bakit nauuna siya at maakusahang VIP.

Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi siya magpapabakuna sa harap ng publiko at gagayahin na lamang niya sina Queen Elizabeth at Prince Philip na ginawang pribado ang pagpapabakuna.

FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with