^
Clinical trial sites ng Janssen, Clover at Sinovac vaccines tinukoy
Ang mga siyudad na target ng clinical trials ay ang San Pablo at Cabuyao, Laguna; Makati City, La Paz, Iloilo; Bacolod City; at Metro Manila para sa Janssen.
Unsplash stock

Clinical trial sites ng Janssen, Clover at Sinovac vaccines tinukoy

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinukoy na ng Department of Science and Technology (DOST) ang target sites kung saan isasagawa ang clinical trials para sa COVID-19 vaccines ng Janssen, Clover at Sinovac.

Sa virtual briefing, sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevara na wala pang eksaktong petsa kung kailan uumpisahan ang trials.

Ang mga siyudad na target ng clinical trials ay ang San Pablo at Cabuyao, Laguna; Makati City, La Paz, Iloilo; Bacolod City; at Metro Manila para sa Janssen.

Target naman ng Clover ang Quezon City, Makati City, Manila City, Taguig City, Las Piñas City, Muntinlupa City; Calamba, Laguna; at Dasmariñas, Cavite.

Habang ang Sinovac ay target ang Quezon City, Marikina City, Pasay City, at Alaminos, Laguna.

Disyembre 29, 2020 nang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Phase 3 clinical trial ng Janssen.

Enero 8, 2021 naman nang aprubahan ng FDA ang aplikasyon para sa clinical trials ng Chinese firm Clover Biopharmaceuticals AUS Pty Ltd.

Ngayong linggo lamang nang payagan na ng FDA ang pagsasagawa ng clinical trials sa bansa ng Sinovac Biotech.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with