^
SSS malulugi ng P41.37 bilyon kung âdi matutuloy ang contribution hike
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, may malaking epekto kapag na-delay ang pagpapatupad sa pagtataas ng contribution rate.
Boy Santos/File

SSS malulugi ng P41.37 bilyon kung ‘di matutuloy ang contribution hike

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela ang Social Security System (SSS) sa mga mambabatas sa Kamara na ikonsidera ang pag-apruba sa panukalang pagtataas ng contribution rate para maipagkaloob ang mas mahusay na serbisyo sa mga miyembro, pensio­ners at kanilang mga benepisyaryo.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, may malaking epekto kapag na-delay ang pagpapatupad sa pagtataas ng contribution rate.

Binigyang diin ni Ignacio na ang dagdag na kontribusyon ay maliit lamang kung ibabase sa serbisyong ipagkakaloob sa mga miyembro, pensioners at kanilang mga benepisyaryo.

Tiyak aniyang mahihirapan ang SSS na tustusan ang pagbibigay pensyon at iba pang benepisyo kung hindi itataas ang singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Nasa P15 hanggang P100 ang buwanang rate increase ng mga employed members habang nasa P30-P200 ang itataas na singil sa mga self-employed at voluntary members.

Nasa P80-P200 naman ang dagdag kontribusyon sa mga overseas Filipino workers.

“The new contribution rate is just minimal. However, its impact on the SSS fund life will be­nefit current members and future generations. Every additional peso they will contribute can help strengthen our financial viability and allow us to fulfill our obligations to our members and pensioners in the decades to come,” dagdag ni Ignacio.

Anya, kung hindi itutuloy ang takdang contribution hike, maaaring mawala ang may P41.37 bilyon ngayong 2021 lamang.

Sa ilalim ng Social Security Act of 2018, maaa­ring magpatupad ang SSS ng biennial 1% contribution rate hanggang 2025.

SSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with