
Pagbabakuna posibleng simulan na sa Marso
MANILA, Philippines — Posibleng mag-umpisa na sa Marso ang pagbabakuna sa Pilipinas kontra COVID-19 virus.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung darating na sa Pilipinas sa kalagitnaan ng Pebrero ang naturang bakuna.
Nauna nang sinabi ng gobyerno na 10 araw pa ang gagawing inspeksyon ng gobyerno sa darating na bakuna ng Sinovac sa Pebrero 20.
Muli naman siniguro ni vaccine czar Carlito Galvez na sa Pebrero ay darating na ang bakuna kontra COVID-19.
“Ito ay darating po this coming February at sa ngayon po, wala pa po tayong definite kung ano pong vaccine ang mauunang i-employ. But most likely ‘yung Pfizer. We are preparing for Pfizer,” sabi pa ni Galvez.
- Latest