^

Senate Bill na magsususpinde sa PhilHealth contribution hike, inihain ni Sen. Go

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senador Bong Go ang panukalang pagpapaliban ng taas-singil sa kontribusyon sa Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa Senate Billl 2000 na inihain ni Go, chairman ng Senate committee on Health, hindi pa napapanahon ang taas-singil dahil may kinakaharap pa na pandemya ang Pilipinas dulot ng COVID-19.

Iginiit pa ni Go, dapat na mag-focus muna ang pamahalaan kung paano matutulungan ang mga Filipino na nangangailangan dahil sa pandemya.

Umapela rin si Go na saluhin na muna ng gobyerno ang pagpopondo para sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

Noong Marso 2020, naglabas ang PhilHealth ng Circular No. 2020-005 para sa nakatakdang increase sa contributions, batay sa ilalim ng Republic Act No. 11223 o ng UHC Act.

Ang PhilHealth contributions ay awtomatikong magtataas taun-taon simula 2020 hanggang 2025 hanggang sa marating ang 5% ng monthly income.

 

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with