^
Duterte nagpaabot ng pagbati kay US President Biden
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na sa pag-upo sa puwesto ng bagong administrasyon na Biden-Harris ay muli na namang ipinakita ng Amerika ang commitment nito sa demokrasya.
AFP

Duterte nagpaabot ng pagbati kay US President Biden

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong US President-elect Joe Biden at Vice-President Kamala Harris.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na sa pag-upo sa puwesto ng bagong administrasyon na Biden-Harris ay muli na namang ipinakita ng Amerika ang commitment nito sa demokrasya.

Ayon kay Roque, na tiniyak ng Amerika sa buong mundo na nana­natiling committed ang kanilang mamamayan para sa mas mapayapang electoral transitions.

Umaasa umano ang Palasyo ng mas mainit pang relasyon at pakikitungo sa Amerika tungo sa mas malaya at mapayapang mundo.

Wala namang impormasyon si Roque kung tinawagan o personal na binati ng Pangulo si Biden matapos manumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos.

Naniniwala rin siya na hindi makakaapekto sa ginagawang pakikipag-negosasyon ng pamahalaan sa mga US manufacturers ang pagbabago ng lider ng Amerika.

Sinabi pa ni Roque na patunay ang pa­kikipag-usap natin ay makakakuha tayo ng supply ng bakuna mula sa Pfizer at Moderna habang inaasahan din matutuloy ang clinical trial ng Johnson & Johnson dito sa Pilipinas.

US
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with