^
30-40 milyong bakuna mula sa COVAX kasado na
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nangangahulugan ito na sa loob ng unang quarter ng taon ay makakatanggap ang Pilipinas ng 30-40 milyong doses ng libreng bakuna mula sa COVAX.
AFP/Alain Jocard

30-40 milyong bakuna mula sa COVAX kasado na

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naaprubahan na ang aplikasyon ng Pilipinas sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Galvez, nangangahulugan ito na sa loob ng unang quarter ng taon ay makakatanggap ang Pilipinas ng 30-40 milyong doses ng libreng bakuna mula sa COVAX.

Dahil dito kaya dapat umanong paghandaan na ang paparating na libreng bakuna kontra COVID-19 mula sa COVAX facility na mula sa WHO.

Inihahanda na rin umano nila ang mga cold chain storage at sa mga nakausap nila na may 18 cold sto­rage facility ay apat dito ang may storage capacity na siyang kinakailangan kahit ano pang brand ng bakuna ang dumating.

Sa susunod na linggo ay itutuloy nila ang pag-iinspeksyon sa iba pang cold chain facility kaya kahit na ano pa ang brand ng bakuna na dumating sa bansa ay tiyak na kakayanin ng Pilipinas na ito ay maiimbak.

Ang COVAX facility ay isang mekanismo para maisagawa ang mga inisyal na pagbabakuna sa ibat ibang bansa batay sa mga bakuna na aprubado ng mga regulatory agency kaya ligtas itong gamitin.

Sa ilalim pa nito ibat ibang brand ng bakuna ang kanilang ibibigay, subalit sa ngayon ay hindi pa sinasabi kung ano ang bakuna na ibibigay sa Pilipinas na posibleng iisang brand lang o ibat ibang brand na aprubado ng regulatory agency mula sa ibat ibang bansa.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with