^

Bong Go: Pagpapawalang-bisa sa UP-DND accord, para proteksyonan ang mga estudyante

(Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na iginagalang niya ang desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipawalang-bisa ang 1989 agreement nito sa University of the Philippines na nagbabawal sa militar at pulisya na pumasok sa UP campuses nang walang koordinasyon.

Sa panayam matapos niyang pangunahan ang distribusyon ng ayuda sa fire victims sa Taytay, Rizal, sinabi ni Go na ang hakbang ni Lorenzana ay upang mapanatili ang mabuti para sa kapakanan ng komunidad at ng mga esudyante na karamihan ay nirerekrut upang sumanib sa mga grupong walang ibang pakay kundi magrebelyon at pabagsakin ang gobyerno.

Ani Go, sinusuportahan niya ang hakbang ni  Lorenzana kaya nanawagan siya sa mga estudyante na huwag mangamba kasabay ng pagtiyak na mananaig ang rule of law,  partikular ang kapakanan at freedom of expression ng lahat ng Filipino.

Ayon sa mambabatas, palaging paiiralin ng militar at pulis ang rule of law sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kaya naman iginiit ni Go sa mga estudyante at grupo ng mga kabataan na magpokus sa kanilang pag-aaral upang matapos ang kanilang edukasyon nang makatulong sa pamahalaan at magkaroon ng ambag sa bansa bilang mga tinatawag na “iskolar ng bayan.”

“Hindi naman kayo pinag-aral para pabagsakin ang gobyerno, mag-aral po kayo, makapagtapos at tumulong kayo sa ating gobyerno,” sabi ni Go.

Umapela rin siya sa mga mag-aaral na igalang ang demokratikong institusyon at panguluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos hanggang sa 2022.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with