^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa higit 507,000 na habang patay nasa 10,116

Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa higit 507,000 na habang patay nasa 10,116
Nakapila ang mga mamimiling ito sa labas ng isang supermarket sa Maynila habang sumusunod sa physical distancing protocolcs, ika-17 ng Marso, 2020
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ng 1,783 ang bagong hawa ng coronavirus disease sa Pilipinas, bagay na nagtutulak sa kabuuang infections sa 507,717, ayon sa Department of Health, Huwebes.

Kasalukuyan namang nagpapagaling pa ang nasa 30,126 na tinamaan ng COVID-19 na siyang bumubuo sa "active cases."

Kamamatay lang ng 74 pang kaso, kung kaya't umabot na sa 10,116 ang pumapanaw sa Pilipinas kaugnay ng virus. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 467,475 kataong dati nang dinapuan ng sakit.

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Quezon City, 99 (general community quarantine)
  • Rizal, 83 (modified general community quarantine)
  • City of Manila, 78 (GCQ)
  • Bulacan, 69 (MGCQ)
  • Cavite, 66 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw?

Bagama't Lungsod ng Quezon ang numero uno pagdating sa mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, napapansin na sa ngayon ng Department of Health ang labis na pag-angat ng infections labas sa Metro Manila. Ang hinala ng kagawaran, may kinalaman ito sa pag-uwi ng marami sa probinsya nitong holiday season.

"Makikita po natin [ito] sa region ng [Cordillera Administrative Region], sa Region II, sa Region V, sa Region VII, XI, XII and [Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao]," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina.

"Kung matatandaan po ninyo, noong nag-holiday po tayo, nag-uwian po ang ating mga kababayan, maaari sa kanilang probi-probinsya. Nagkaroon din po siguro ng mga salo-salo ang celebration, and all of these things might have contributed to the increase in the number of cases in the other areas."

Basahin: ALAMIN: Mga probinsyang hataw sa kaso ng COVID-19 matapos ang holidays

Halos 95 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 2.05 milyon na ang yumayao. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with