^

Bong Go kina Pangulong Rodrigo Duterte, Sotto: Magkaisa para sa COVID-19 vaccination program

(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III na magkaisa alang-alang sa agarang implementasyon ng national vaccination program laban sa COVID-19.

“Alang-alang po sa kapakanan ng ating bayan at ng mga mahihirap nating kababayang Pilipino, I am appealing to President Duterte and to Senate President Sotto na magkaisa na lang po tayo para makapag-umpisa na po ng pagbabakuna,” ani Go.

Kaugnay nito, inanunsyo ni Go na inatasan na ni Pangulong Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ilabas na ang detalye ng vaccine agreements kay Senate President upang maalis ang paghihinala at magkaroon ng transparency sa isinasagawang proseso sa pagbili ng bakuna.

Hiniling din niya kay Secretary Galvez na ipaliwanag sa publiko ang ginagawang proseso ng gobyerno sa pagsisikap na magkaroon na ang bansa ng vaccines upang maalis ang mga takot at pagdududa.

Gayunman, sinabi ni Go na nauunawaan niya ang pag-aalinlangan ni Galvez na ibahagi ang mga impormasyon sa pagbili ng bakuna dahil baka malabag aniya ang confidentiality agreements na itinakda ng vaccine manufacturers, gaya ng nangyari sa Malaysia.

BONG GO COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with