^

Bansa

Patay sa COVID-19 sa Pilipinas lagpas 10,000 na — DOH

Philstar.com
Patay sa COVID-19 sa Pilipinas lagpas 10,000 na � DOH
Kahit na may COVID-19 pandemic, nakasakay sa isang "modernized PUV" ang mga pasaherong ito sa Maynila, ika-23 ng Hunyo, 2020
AFP/AC Dimatatac, File

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang nasa 1,862 sariwang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Miyerkules, dahilan para pumalo pataas ng 505,939 ang kabuuang bilang ng nadali ng nakamamatay na sakit.

Nasa 28,904 diyan ang itinuturing na "aktibong kaso" o 'yung mga patuloy na nagpapagaling mula sa COVID-19.

Sumipa naman sa 64 naman ang bagong local reported deaths  dahilan para sumampa na sa 10,042 ang kabuuang bilang ng patay. Sumatutal, magaling na mula sa sakit ang nasa 466,993 pasyente na nadali ng COVID-19 .

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Zamboanga City, 206 (modified general community quarantine)
  • Davao City, 109 (general community quarantine)
  • Kalinga, 102 (MGCQ)
  • Quezon City, 77 (GCQ)
  • Benguet, 74 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw?

Ngayong hapon lang nang ianunsyo ng DOH na umabot sa 13 ang nagpositibo sa COVID-19 matapos makasalamuha ang unang Pilipinong kasong tinamaan ng UK variant ng sakit — bagay na mas nakahahawa ng hanggang 70%.

Kasama sa mga tinamaan ng COVID-19 ay ang nobya at ina ng 29-anyos na Pinoy na nanggaling sa United Arab Emirates, maliban pa sa tatlong close contacts at walo pang co-passengers ng Emirates Flight EK 332.

Maliban diyan, kumpirmadong tinamaan din ng COVID-19 ang isang health worker na nakasalamuha ng index case mula UAE. "Samples from all 5 close contacts who tested positive have been sent to the UP Philippine Genome Center (PGC) for sequencing, and the DOH is now awaiting the results to determine if they are also infected with the UK variant. All close contacts are currently isolated and under strict monitoring," ayon sa DOH.

Umaabot na sa 94.12 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 2.03 milyon na ang pumapanaw. — James Relativon at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with