^
89 barangay chairman sinuspinde sa SAP anomaly
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte , binalaan na niya noon ang mga barangay captain na huwag gagalawin ang pera na pinapamigay ng gobyerno na pantawid ng mga mahihirap na Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Walter Bollozos, file

89 barangay chairman sinuspinde sa SAP anomaly

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim sa preventive suspension ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may 89 barangay chairman dahil sa umano’y katiwalian sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa Pangulo, binalaan na niya noon ang mga barangay captain na huwag gagalawin ang pera na pinapamigay ng gobyerno na pantawid ng mga mahihirap na Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang 89 barangay captain ay sasailalim sa anim na buwang preventive suspension habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

“Now suspended muna for six months then may hearing sa kaso mo. If a case is filed against you kasi pera ito, either pera na binulsa ninyo o hindi niyo ginamit o kung anong kabalastugan ang ginawa ninyo sa pera,” wika pa ng Pangulo.

Sinabi naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang mga iregularidad na ginawa ng mga opisyal ng barangay ay ang paghahati ng cash assistance, pamemeke ng master list  at pagkuha ng tara o cut mula sa mga benepisyaryo.

Matatandaan na mahigit sa P200 bilyong halaga ang inilaan para sa SAP sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act o Bayanihan 1 para mabigyan ng tulong pinansyal ang may 18 milyon mahihirap na pamilya sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with