^

Bansa

Vaccine deal ilatag sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vaccine deal ilatag sa Senado
Una rito, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na mawawalan ang Pilipinas ng 148 million doses ng COVID-19 vaccines kung isasapubliko ang presyo dahil maaaring malabag ang non-disclosure agreements sa mga vaccine supplier.
AFP/Joel Saget

Duterte kay Galvez

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ihayag kay Senate President Vicente Sotto III ang kasunduan sa pagbili ng CO­VID-19 vaccine para na rin sa usapin ng transpa­rency.

“Kausap ko po si Pangulo at inatasan niya si Secretary Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto at nagkausap na rin po kami ni Senate President Sotto ukol dito para magkaroon po ng transparency,” pahayag ni Sen. Bong Go.

Una rito, sinabi ni Galvez na mawawalan ang Pilipinas ng 148 million doses ng COVID-19 vaccines kung isasapubliko ang presyo dahil maaaring malabag ang non-disclosure agreements sa mga vaccine supplier.

Sa mga nakalipas na Senate hearing, iginigiit ng mga senador na dapat ihayag ng gobyerno ang pres­yo ng mga bakuna partikular ang Sinovac ng China.

Pero sabi ni Duterte, hindi ito misteryo kundi “practice of the industry” na ang presyong bulung-bulungan muna, dahil sa ganitong klase ng pan­demya ay paunahan.

Iginiit pa ng Pangulo na kung sino ang may pera ay ito ang unang mabibigyan at kung sino ang gumawa ng sarili nilang bakuna ay natural lamang na ang mga tao nila ang uunahing bakunahan.

Nanindigan din si Duterte na “walang hokus-pokus” sa pagbili ng mga bakuna kaya walang dahilan para pagdudahan si Galvez at wala rin dumaang anumang pera sa kamay ng vaccine czar.

Anya, noong una pa lamang magkaroon ng pandemya ay humingi na siya ng tulong sa China sa pagsu-supply ng bakuna sa Pilipinas. Kaya iginiit niya na mananatiling confidential ang presyo ng bakuna kontra COVID-19.

Pinayuhan din ng Presidente si Galvez na ituloy at ipatupad ang naunang plano dahil pinagpaguran niya ito at huwag nang pansinin ang ikinakasang imbestigasyon kaugnay sa pagbili ng bakuna.

Inihayag naman ni Galvez na nakatipid ng $700 milyon ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipag-negosasyon sa mga kumpanya ng gamot para sa bakuna.

Dahil dito kaya balak umano ng gobyerno na doblehin ang bibilhing supply ng bakuna at gawin na 148 dose mula sa dating 70 dose.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with