^

Bansa

Clinical trial ng Sinovac aprub ng FDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Clinical trial ng Sinovac aprub ng FDA
Noong nakaraang taon pa nagsimula ang Phase III clinical trials ng Sinovac vaccine sa ibang bansa, tulad ng Brazil at Turkey. Nitong Enero naman nang magsimula ang pag-aaral sa Indonesia.
Sinovac

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon para sa clinical trial ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac ng China.

Noong nakaraang taon pa nagsimula ang Phase III clinical trials ng Sinovac vaccine sa ibang bansa, tulad ng Brazil at Turkey. Nitong Enero naman nang magsimula ang pag-aaral sa Indonesia.

Una nang inaprubahan ng FDA ang clinical trial application ng Janssen Pharmaceutical ng Estados Unidos at Clover Biopharmaceutical ng China.

Wala pang inilalabas na interim result ang kompan­ya para sa mga naunang clinical trial, kaya hindi pa lumalakad ang proseso ng kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas.

Sa ngayon, nag-umpisa nang lumakad ang EUA application ng Gamaleya Institute ng Russia matapos makapag-submit ng Phase III results sa ahensya.

Inaabangan naman ang paglalabas ng desisyon ng FDA sa parehong aplikasyon ng AstraZeneca.

Samantala, wala namang ipinapasa na kahit anong aplikasyon ang Sinopharm na mula rin sa China.

Related video:

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with