^

Bansa

Duterte sa Senado: ‘Gusto n’yo Pfizer, iorder ko kayo’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga senador dahil sa umano’y pagpupumilit na bumili ang bansa ng bakuna kontra COVID-19 sa kumpanyang Pfizer.

Sa kanyang ulat sa bayan kamakalawa ng gabi, inihalimbawa ni Duterte ang 25 katao na namatay sa Norway matapos umanong mabakunahan ng gawa ng Pfizer, gayunman hindi pa rin malinaw kung ito ang sanhi ng pagkamatay doon.

“Ayan ‘yung sa Pfi­zer, gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo,” ayon pa sa Pangulo.

Partikular na binatikos ni Duterte si Sen. Risa Hontiveros na paulit-ulit ang panawagan sa gobyerno na i-follow up ang emergency uses sa approval ng Food and Drug Administration para sa paggamit ng Pfizer.

Subalit sagot ni Senate President Vicente Sotto III, “Thanks but no thanks” sa alok ng Pa­ngulo na magpapa-order siya ng COVID vaccine ng Pfizer na pinapaboran ng mga senador kaya binabanatan ang Sinovac.

Paliwanag ni Sotto, hindi pinapaboran ng Senado ang Pfizer o anumang bakuna at nabibigyan ng maling impormasyon ang Pangulo.

Sa kabila ng batikos ng Pangulo sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa pagbili ng bakuna sa Sinovac ay tuloy na tuloy pa rin ang ikatlong pagdinig nila sa Biyernes.

Ayon pa kay Sotto, sa kanyang tantiya hindi sasang-ayon ang publiko sa pagtanggi ng gobyerno na isapubliko ang lahat ng tungkol sa COVID-19 vaccination roadmap nito.

Sa Biyernes ay paba­ba­likin ng mga senador si vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III para tanungin kung magkano talaga ang presyo ng Sinovac.

vuukle comment

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with