^
EUA sa COVID-19 vaccine pwede pang baguhin – FDA
Sinabi ito ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo kasunod ng lumabas na ulat na 23 senior citizens na naturukan ng Pfizer-BioNTech ang nasawi sa Norway.
Unsplash stock

EUA sa COVID-19 vaccine pwede pang baguhin – FDA

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaaring i-revise o baguhin ang inisyung emergency use authorization (EUA) sa isang COVID-19 vaccine firm kung may lulutang na safety issues.

Sinabi ito ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kasunod ng lumabas na ulat na 23 senior citizens na naturukan ng Pfizer-BioNTech ang nasawi sa Norway.

“Bago natin magamit ang bakuna na ‘yan, madadagdag po natin ngayon ‘yan doon sa ating mga contraindications na huwag siyang gamitin sa mga merong severe allergies at siguro possibly mga sobrang matatandang-matatanda,” ayon kay Domingo.

Gayunman, ipinaliwanag din niya na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga matatanda sa Norway.

Umaasa ang FDA sa magiging ulat ng counterpart nila sa Norway at sa Pfizer-BioNTech.

Ang pagkakaalam ni Domingo, hindi pa man nagkakaroon ng bakuna ay may 400 na ang namamatay na senior citizen kada araw sa Norway kaya pinagbabakunahan.

“Ang sabi nila before magkaroon ng bakuna is every day 400 ang namamatay doon sa senior citizen. So pinagbabakunahan lahat,” ani Domingo.

“Talagang elderly, mga mahigit 90-anyos po yata. Tapos, meron pa rin namatay. Pero iniimbestigahan po nila ‘yan ngayon,” aniya pa.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with