^
Pharmacists, midwives sasanayin bilang vaccinators
Sinabi ni Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na pinag-aaralan na nila kasama ang mga opisyal ng Food and Drug Administration (FDA) na maging vaccinators din ang mga lisensyadong pharmacist sa bansa.
The STAR/Michael Varcas, file

Pharmacists, midwives sasanayin bilang vaccinators

(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaplano rin ngayon ng Department of Health (DOH) na sanayin ang iba pang mga health professional bilang mga COVID-19 vaccinators upang magkaroon ng sapat na tauhan sa oras na mag-umpisa na ang vaccination program.

Sinabi ni Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na pinag-aaralan na nila kasama ang mga opisyal ng Food and Drug Administration (FDA) na maging vaccinators din ang mga lisensyadong pharmacist sa bansa.

Sa ilalim kasi ng Pharmacy Law, pinapayagan ang mga pharmacist na magbakuna rin tulad ng mga doktor at mga nurses.

Isa rin sa pinag-aaralan kung maaaring ma­ging vaccinators ang mga lisensyadong midwives.

Ayon sa DOH, kaila­ngan lamang ng ibayong pagsasanay, kaalaman ukol sa bakuna at panga­ngasiwaan ng mga doktor na kailangang nasa vaccination venue ang pagbabakuna ng mga health professionals.

Nakatakdang bumalangkas na ng mga panuntunan ang FDA ukol sa vaccination program at kung sino ang mga maaaring tapikin para magsagawa nito.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with