^
Bakuna ng Russia at China âdi pinagtitiwalaan
Batay sa isang international survey na isinagawa ng polling company na YouGov sa halos 19,000 katao at ibinahagi ng Reu­ters, mga taga-United Kingdom at Denmark ang mas handang magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19, habang may duda naman ang mga taga-France at Poland.
AFP/Russian Direct Investment Fund, Handout

Bakuna ng Russia at China ‘di pinagtitiwalaan

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa umano ang karamihan ng mga tao sa buong mundo na magpabakuna laban sa COVID-19, pero lumalabas naman na walang tiwala ang mga ito sa mga bakuna ng China o Russia kumpara sa mga gawang Germany o Estados Unidos.

Batay sa isang international survey na isinagawa ng polling company na YouGov sa halos 19,000 katao at ibinahagi ng Reu­ters, mga taga-United Kingdom at Denmark ang mas handang magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19, habang may duda naman ang mga taga-France at Poland.

Natuklasan din sa survey na ang willingness o pagnanais na maturukan ng COVID-19 vaccine ay mas tumataas na sa maraming bansa nitong mga nakalipas na linggo, lalo’t ang mga bakunang nadebelop ng mga kumpanya sa Estados Unidos, Russia, China, Germany at Britain ay nagsimula nang maisuplay at maiturok sa mga bansa sa Europe, North America at Asya.

Sa Britanya, umabot sa 73% ang mga nais magpabakuna, habang 70% naman sa Denmark.

Gayunman, sa Amerika, wala pa sa kalahati ng mga na-survey ang nagsabi na interesado silang mabakunahan.

Mahigit naman sa 1/3 (37%) ng tao sa Poland (48%) at halos kalahati ng taga France ang nagsabi na tatanggihan nila ang bakuna sakaling ialok sa kanila.

Sa Pilipinas, naging tampulan naman ng pagtatanong ang pagkuha ng gobyerno ng Sinovac na gawa ng China.

Gayunman, pagdinig sa Senado noong nakalipas na Biyernes, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez at ni National Action Plan Against CO­VID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na maari namang hindi ituloy ang pagbili ng 25 milyong doses ng Sinovac.

Maari naman aniya na ang irerekomenda ng vaccine panel ang bilhin at iturok sa mga Pinoy.

Mahalaga ang tiwala ng tao sa mga bakuna sa pagsisikap ng gobyerno na masugpo ang pagtaas ng mga impeksiyon sa SARS-CoV-2 coronavirus pandemic, na halos 92 mil­yon na ang tinamaan sa buong mundo at pumatay ng hindi bababa sa 1.98 milyon.

Ayon sa YouGov, bagama’t may mga nagsabi na hindi muna sila magpapaturok ng COVID-19 vaccine, karamihan daw sa mga rason dito ay mas pipiliin muna nilang mag-obserba kung ligtas ang mga bakuna, habang ang ilan ay dahil sa naimpluwensiyahan sila ng mga “anti-vaxxers” o ‘yung mga ayaw talaga ng bakuna.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with