^
Magsanay na ng magbabakuna – Gordon
Sinabi ni Gordon na maghahain siya ngayong araw ng panukalang batas na tuwing mayroong emergency ang bansa o kahit walang krisis ay nagsasanay ng mga vaccinators tulad ng mga dentista, beterinaryo, medical technologists at kahit ang mga walang medical backgrounds na nagnanais na maging doktor sa hinaharap at makakapagbakuna subalit may clinical supervision.
Geremy Pintolo, file

Magsanay na ng magbabakuna – Gordon

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Richard Gordon na magsanay pa ng maraming Filipino na magbabakuna bilang paghahanda sa COVID-19 immunization drive.

Sinabi ni Gordon na maghahain siya ngayong araw ng panukalang batas na tuwing mayroong emergency ang bansa o kahit walang krisis ay nagsasanay ng mga vaccinators tulad ng mga dentista, beterinaryo, medical technologists at kahit ang mga walang medical backgrounds na nagnanais na maging doktor sa hinaharap at makakapagbakuna subalit may clinical supervision.

Kinuwestyon din niya ang kapasidad ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng vaccination program gayung mayroon lang silang 617,239 health care workers na lalahok sa kampanya base sa kanilang datos.

Sa nasabing bilang, 73,836 mula sa pribadong health institutions, 64,998 mula sa public health facilities, 29,000 mula sa DOH, 30,629 sa local government units (LGU), 194,269 ay contact tracers, 207,320 barangay health workers habang ang 17,034 ay social workers.

Dahil dito kaya duda umano si Gordon sa 617,239 na kayang bakunahan ang may 70 million Filipinos bagama’t hindi naman ito sabay-sabay.

Dulot naman umano ng mababang performance rate sa bansa ng National Immunization Program kaya ang actual performance natin noong 2016 ay 70%, 67% ng 2017, 66% ng 2018, 69% ng 2019 kaya lumalabas na hindi pa bihasa ang PIlipinas sa pagbabakuna.

COVID-19 RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with