^
DFA hindi nag-aalok ng travel exemption
Sa inilabas na advisory ng DFA, ang nasabing scam ay nanghihingi ng malaking halaga sa mga dayuhan kapalit ng nasabing travel documents at serbisyo.
Department of Foreign Affairs Facebook page

DFA hindi nag-aalok ng travel exemption

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Foreign Affairs sa publiko na mag-ingat sa mga indibiduwal o grupo na gumagamit ng pekeng DFA travel exemption letters at nag-aalok sa mga dayuhan na gustong pumasok dito sa Pilipinas.

Sa inilabas na advisory ng DFA, ang nasabing scam ay nanghihingi ng malaking halaga sa mga dayuhan kapalit ng nasabing travel documents at serbisyo.

Nilinaw ng DFA na hindi sila nag-aalok ng anumang “travel exemption” fee o charge mula sa mga dayuhan para makapasok dito sa bansa maliban na lamang sa mga pinapayagan na naaayon sa direktiba at exemptions na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Office of the President.

“The public is therefore advised to be vigilant and wary of such illegal services or fake documents,” nakasaad sa advisory.

Pinayuhan naman mg Kagawaran ang publiko na ireport sa kanila, National Bureau of Investigation at Philippine National Police kung may nalalaman sa mga ganitong pandaraya kabilang ang pag-aayos ng mga pekeng pasaporte para sa mga dayuhan.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with