^
P1.5 milyong smuggled na gamot nakumpiska ng BOC
Isinagawa ng mga ahente ng BOC-CIIS ang anti-smuggling operations sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City noong Enero 14.
AFP/File

P1.5 milyong smuggled na gamot nakumpiska ng BOC

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service (IIS) na nakatalaga sa Manila International Container Port (MICP) ang may P1.5 milyong halaga ng smuggled medicines mula sa China.

Isinagawa ng mga ahente ng BOC-CIIS ang anti-smuggling operations sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City noong Enero 14.

Armado ng Letter of Authority (LOA), ininspeksiyon ng mga awtoridad ang Pasay storage facility, kung saan nila nadiskubre ang isang makeshift clinic na may mga illegal Chinese medicines.

Isa sa mga nakum­piskang medisina ay natukoy na ‘RIBAVIRIN’ na ginagamit na lunas sa pneumonia at bronchitis, kaya’t lumaki ang hinala ng mga awtoridad na ginagamit ang klinika sa paggamot ng mga COVID-related cases.

Ang mga medisina na kinumpiska ay sumasai­lalim na ngayon sa inventory at investigation para sa paglabag sa Section 1113 ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kasabay nang pagsasagawa na rin ng imbestigasyon upang matukoy ang mga taong responsable sa pag-operate ng makeshift clinic.

Nagbabala naman ang BOC laban sa paggamit ng medisina nang walang kaukulang clearance mula sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) at umapela sa publiko na tigilan ang pagpapagamot sa mga fly-by-night clinics na maaaring magdulot sa kanila ng higit pang problema sa kalusugan.

BUREAU OF CUSTOMS GAMOT SMUGGLED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with