^

Volunteers sa clinical trial sagot ng WHO

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi dapat mangamba ang mga lalahok o volunteers sa isasagawang Solidarity Trial sa COVID-19 sa bansa dahil bukod sa dumaan na ito sa phase 1 at phase 2 cli­nical trials sa ibang bansa ay sagot ng World Health Organization (WHO) ang anumang mararanasang masamang epekto kung sakali.

Sinabi ni DOST-Phi­lippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya na ang gagamitin ng WHO sa Solidarity Trial ay ang CO­VID-19 vaccines na dumaan na sa phase 1 at phase 2.

“Kung may mangyari, minor or major, ito ay sasagutin ng WHO. Tutulungan ng WHO. Merong inilaang pondo para magamit sa mga volunteer,” wika niya.

Kailangan din aniyang maipaliwanag sa mga magbo-volunteer sa nasabing trial ang detalye ng bakuna.

Target sa nasabing trials ang 15,000 volunteers na isasagawa sa Metro Manila sa huling mga araw ng Enero o mga unang linggo ng Pebrero.

Ang mga lalahok ay dapat nasa edad 18 hanggang 59, ang parehong age bracket para sa mass vaccination program ng pamahalaan.

Ang pagre-recruit ay gagawin sa mga barangay na pipiliin bilang trial sites.

Gayunman, hindi pa tinutukoy ang brand ng gagamiting COVID-19 vaccines, na posibleng ang mga brand na ito ay ‘yung mga nakakuha na ng emergency use authorization o bagong bakuna na may ibang paraan.

COVID-19 WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with