^

UK variant Setyembre pa tumama sa Pinas

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaan ng OCTA Research na Set­yembre 2020 pa unang tumama sa Pilipinas ang UK variant pero hindi matindi ang epekto nito sa isang taong tinamaan nito at hindi naman ito kumalat.

Ito ang sinabi ni Dr. Guido David, professor ng University of the Philippines–Institute of Mathematics at OCTA research fellow kaugnay ng pag-detect ng UK va­riant sa isang taga-QC na nagmula sa Dubai noong January 7.

“Feeling namin nakapasok na ang bagong variant pero hindi lamang agad kumalat o hindi lamang gaano karami ang kaso. ‘Yung mga siniquence ng Philippine Genome Center nag-sequence sila randomly ng samples pero wala pang na-detect. Pero hindi ibig sabihin wala pa talaga rito... Thirty samples ‘yun, randomly selected, pero it’s possible na hindi siya ganu’n karami based sa statistics,” dagdag ni David.

Niliwanag naman ni David na hindi dapat mag-panic ang mga tao kahit nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.

“Wala naman kaila­ngang idagdag na health protocol. Kahit walang bagong variant, dapat patuloy pa rin tayong sumunod,” sabi ni David.

Sa ngayon, ang lalaki na unang biktima ng UK variant ay may simple pneumonia at patuloy na kinakalinga at ginagamot sa Hope 3 quarantine facility ng QC. Patuloy din ang contact tracing na ginagawa ng QC sa siyam na iba pang taga-QC na nakasabay nito sa eroplano pabalik ng Pilipinas noong January 7 mula Dubai.

Ang mga kaanak naman ng biktima kahit hindi nakasalamuha ay isinailalim din sa swab testing para sa kaukulang pag-iingat. Ang biktima ay unang nailagay sa qua­rantine facility sa Maynila at saka dinala sa QC qua­rantine facility makaraang magpositibo sa UK variant noong January 8.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with