^
10-anyos payagan nang lumabas - DTI
Sa kasalukuyan, ta­nging mga bata na may edad na 15-taong gulang ang pinapayagan na makalabas habang sa mga senior citizen ay hindi dapat lalagpas sa edad na 65-taong gulang.
STAR/File

10-anyos payagan nang lumabas - DTI

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibaba na sa 10-taong gulang ang edad ng mga bata na maaaring makalabas ng bahay at makapasok sa mga commercial establishments tulad ng mga malls.

Ikinatwiran ni Trade Secretary Ramon Lopez na ito ay upang makatulong na mapalakas muli ang ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan sa kasagsagan ng ‘lockdown’ noong nakaraang taon.

Noong 2020 pa umano niya isinusulong ito ngunit hindi napagbibigyan ng mga nagdedesisyon sa pamahalaan ukol sa aksyon sa COVID-19 pandemic.

“Hindi naman masamang i-consider ang pagpalawak ng age segment na papayagan na din lumabas. So kunwari ngayon, 15 years old ang pinakabata, puwede natin unti-untiin, maybe 10 years old,” ayon kay Lopez.

Iginiit niya na ang mga bata na nasa edad 10-taon gulang ay nakakaintindi na kung bakit kailangang sumunod sa ‘minimum health protocols’ at nagagawa nang makasunod kung may paggabay ng magulang o ibang nakatatanda.

“I think, oras naman na dapat paghandaan ang unti-unting pagluwag nito... It is manageable basta dahan dahan at safe,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ta­nging mga bata na may edad na 15-taong gulang ang pinapayagan na makalabas habang sa mga senior citizen ay hindi dapat lalagpas sa edad na 65-taong gulang.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with