^
Travel ban sa 35 bansa pinalawig
Ang anunsiyo ay matapos iulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng bagong variant ng COVID-19 na nakapasok na sa bansa matapos na masuri ang isang lalaki mula sa United Arab Emirates (UAE).
AFP/Romeo Gacad

Travel ban sa 35 bansa pinalawig

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalawig ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang travel restrictions sa 35 bansa hanggang sa Enero 31, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang travel restrictions at rules ay applicable sa lahat ng manggagaling sa mga bansang The United Kingdom, Denmark,  Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China kabilang dito ang Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States of America, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.

Ang anunsiyo ay matapos iulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng bagong variant ng COVID-19 na nakapasok na sa bansa matapos na masuri ang isang lalaki mula sa United Arab Emirates (UAE).

Samantala, epektibo naman sa 12:01 AM Manila time ng Enero 17 o sa Linggo ay kasama na rin sa travel restrictions ang UAE at Hungary hanggang Enero 31, 2021.

Bagama’t pinagbabawalang pumasok mula sa nasabing mga bansa ang mga dayuhan, ang mga Filipino na mula naman dito ay papayagan pa rin makapasok sa Pilipinas subalit kailangan nilang sumailalim sa 14-day quarantine anuman ang maging resulta ng kanilang COVID test.

Habang ang international tourists mula sa mga bansang wala sa listahan ay kailangan pa rin tapusin ang 14-day quarantine kahit negatibo sila sa RT-PCR test.

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with