^
13 pasahero nagtatago sa contact tracers pwedeng kasuhan - DOH
Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na 146 sa 159 na pasahero na sakay ng Emirates Flight EK 332 ang kanilang nakontak.
PCOO

13 pasahero nagtatago sa contact tracers pwedeng kasuhan - DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Health ang mga pasahero na nakasabay ng Pilipino na unang nadiskubreng may taglay na UK COVID-19 variant sa eroplanong mula sa Dubai na maaari silang masampahan ng kasong kriminal kung patuloy na hindi makikipag-ugnayan sa mga contact tracers ng pamahalaan.

Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na 146 sa 159 na pasahero na sakay ng Emirates Flight EK 332 ang kanilang nakontak.

Nasa 125 sa kanila ang isinailalim na sa ‘isolation’ sa mga quarantine facilities o kaya ay naka-home quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR test at genome sequencing.

May 13 sa mga pasahero ang hindi pa tumutugon sa tawag ng mga contact tracers kung saan ilan sa kanila ay inilalaglag ang tawag, ang iba ay sadyang pinapatay ang telepono, habang ang iba ay maaaring iba ang numero ng telepono na ibinigay.

Pinaalalahanan naman ni Vergeire ang mga close contact ng pasyente na makipagtulungan sa mga awtoridad dahil kung tatanggi sila ay maaari silang maparusahan sa ila­lim ng Republic Act 1132 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Ang mga lalabag ay maaaring maharap sa multang mula P20,000-P50,000 o pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan ngunit hindi hihigit sa anim na buwan, o parehong multa at pagka­bilanggo.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with