^
Mayorya ng mga pribadong kumpanya sumunod sa âhealth protocolsâ - DOLE
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, 92 porsyento ng mga ‘workplaces’ ay nagawang makasunod sa mga itinakdang protocols partikular ang ‘physical distancing’, palagiang pagsusuot ng face mask at shields, pagbabago ng iskedyul, work-from-home, sanitasyon at contact tracing.
AFP/Ted Aljibe

Mayorya ng mga pribadong kumpanya sumunod sa ‘health protocols’ - DOLE

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri ng Department of Labor and Employement (DOLE) ang mga pribadong kumpanya makaraang mayorya sa mga ito ay nagawang makasunod sa ‘health and safety protocols’ para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pook-gawaan.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, 92 porsyento ng mga ‘workplaces’ ay nagawang makasunod sa mga itinakdang protocols partikular ang ‘physical distancing’, palagiang pagsusuot ng face mask at shields, pagbabago ng iskedyul, work-from-home, sanitasyon at contact tracing.

Ito ay mula sa 77% ‘compliance’ lamang nang unang magsagawa ng inspeksyon ang DOLE sa 72,000 pabrika at opisina noong 2020.

Nagawang makasunod ng mga pribadong kumpanya makaraan na ituro sa kanilang mga opisyal ng DOLE ang mga tamang panuntunan na kailangang sundin.

Umaasa naman ang opisyal na tataas pa ito at mararating ang 100% compliance kasabay ng babala sa ilang kumpanya na hindi pa rin sumusunod na maaaring mabigyan ng multa mula P10,000 hanggang P100,000 kada araw.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with