^

Total travel ban ‘di pa posible - DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa nakikita ng Department of Health (DOH) na magpapatupad ang pamahalaan ng ‘total travel ban’ upang matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 matapos na palawigin ang ban sa 33 na bansa hanggang katapusan ng Enero.

“We want to balance health with the economy that we have right now. Hindi talaga feasible for us to do that (That’s really not feasible for us),” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kaugnay nito, magpapatupad na lamang ng polisiya ang DOH na isasailalim na sa genome sequencing ang lahat ng pasahero na papasok sa bansa sa mga paliparan at daungan na magpopositibo sa COVID-19 upang madetermina rin kung anong variant ng virus ang kanilang taglay.

Ito ay makaraang isang 29-anyos na lalaking taga-Quezon City ang unang nadiskubre na may taglay na United Kingdom variant ng COVID-19.

Wala naman umanong bansa sa mundo ang nagpatupad na ng ‘total travel ban’ at kailangan lamang mag-adapt ng mga gobyerno ng mga bansa sa implementasyon ng mga bagong polisiya dahil sa inaasahan na ng mga eksperto ang ‘mutation’ ng virus.

 

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with