^
Kulong, multa posible sa nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant
Sa undated file photo na ito, makikita ang ilang biyahero sa paliparan habang nakasuot ng face mask laban sa COVID-19
AFP/Yasser Al-Zayyat, File

Kulong, multa posible sa nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant

James Relativo (Philstar.com) - January 15, 2021 - 12:54pm

MANILA, Philippines — Maaaring humarap sa kaso, multa at kulong ang mga nakasalamuha ng Pilipinong nahawaan ng mas nakahahawang United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19) kung patuloy silang hindi makikipag-ugnayan sa gobyerno, paglalahad ng Department of Health (DOH), Biyernes.

Kahapon kasi nang unang banggitin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ilan sa mga contacts ng naturang 29-anyos na Pinoy ang ayaw makipag-ugnayan sa pamahalaan — ang iba, ibinababa pa ang telepono.

Basahin: 'Ayaw sumagot': Nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant inii-snob tawag ng DOH

May kinalaman: Philippines confirms first case of new COVID-19 variant

"There is this violation. We have a law, [Republic Act] 11332, the law on notifiable disease. Within this law, stated yan sa mga provision na kapag may mga public health emergency, you have to cooperate with government whether it be for quarantine, for isolation, for contact tracing, for testing," ani Vergeire sa isang media forum.

"So kapag ang isang tao, hindi po siya nakipag-cooperate sa gobyerno, maaari po tayong magkaroon ng mga sanctions for this person."

Ang RA 11332 ay madalas gamitin noong panahon ng lockdown para arestuhin ang mga aktibista sa mga protesta o na nagsasagawa ng mga assistance program. Ang iba ay pinalaya rin ng korte. 

Basahin: For lack of merit: Court drops 1 of 3 cases vs “Cebu 8”Court rejects 'non-cooperation' charge vs Bulacan relief volunteers

Sa 159 na mga pasahero kasi ng Emirates Flight EK 332, 146 pa lang o 96% ang matagumpay na nakikipag-ugnayan matapos ang contact tracing: "'Yung 13 po, talagang rejecting the calls, walang sumasagot, o siguro patay ang telepono o mali ang ibinigay na telepono," dagdag ng DOH official.

Sa 146 na pasaherong na-contact na, 125 sa kanila ang nakagawa na ng mga positibong aksyon matapos ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa DOH.

Marami sa kanila ay naka-quarantine na sa mga pasilidad, o 'di kaya'y naka-home quarantine basta't pasado sa mga panuntunang inilatag ng gobyerno.

"'Yung iba ho, mamaya ho natin babalikan 'yung ibang datos ano. Just for the information of everybody, lahat po sila ay na-swab. Kinolekta ang specimen. Dalawang specimens po, isa for RT-PCR, isa for genome sequencing," dagdag ni Vergeire.

Ang UK variant ng COVID-19, na kilala rin sa tawag na B.1.1.7., ay lubhang mas nakahahawa kumpara sa pinakalaganap na variant ng COVID-19: hanggang 70% na mas nakahahawa.

Basahin: 'Bagong COVID-19 variants': Ano ang mga 'yan at bakit delikado, kinatatakutan?

Dahil diyan, 33 bansa't teritoryo na ang pinatawan ng travel restrictions ng gobyerno, bagay na kanilang pinalawig na hanggang katapusan ng Enero 2021. Irerekomenda na rin ng DOH ang pagsama ng United Arab Emirates (UAE), ang bansang pinanggalingan ng Pinoy na nahawaan ng mutated COVID-19 virus, sa listahan ng travel restrictions.

Ano ang mga parusa?

Pero anu-ano nga ba ang mga parusang nag-aantay para sa mga patuloy na ayaw makipag-ugnayan sa gobyerno sa panahon ng isang public health emergency?

Ayon sa RA 11332, nariyan ang:

  • P20,000 hanggang P50,000 multa
  • isa hanggang anim na buwang kulong
  • parehong kulong at multa
  • pagkakatanggal o suspensyon ng lisensya kung ikaw ay lisensyado sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC)

"Meron tayong unauthorized disclosure, meron tayong non-cooperation of persons and entities that should report and respond sa mga ganitong sitwasyon o request ng government, non-cooperation of persons and entities identified with the disease, or 'yung mga contacts nitong may mga sakit na ito," sabi pa ni Vergeire.

Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 494,605 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 9,739 na ang patay nitong Huwebes.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with