^

Bansa

Close contact ng Pinoy na positibo sa UK COVID-19 variant, hanap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Close contact ng Pinoy na positibo sa UK COVID-19 variant, hanap
Unang inihayag ng DOH nitong Miyerkules ng gabi ang pagkakatukoy sa B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) sa isinagawang ‘genome sequencing’ ng Philippine Genome Center (PGC) sa swab specimen ng 29-anyos na lalaki mula sa Quezon City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga pasahero na sakay ng Emirates Flight No. EK 332 at kasama ng unang Pilipino na nagpositibo sa United Kingdom COVID-10 va­riant na makipag-ugnayan sa mga contact tracers para madetermina kung taglay rin nila ang virus at maiwasan ang pagkalat pa nito.

Unang inihayag ng DOH nitong Miyerkules ng gabi ang pagkakatukoy sa B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) sa isinagawang ‘genome sequencing’ ng Philippine Genome Center (PGC) sa swab specimen ng 29-anyos na lalaki mula sa Quezon City.

Nabatid na umalis ng bansa ang pasyente at kaniyang nobya na kapwa real state agents nitong Disyembre 27 at nagtungo sa Dubai, United Arab Emirates.  Bumalik sila ng Pilipinas nitong Enero 7 kung saan sila na-qua­rantine at isinailalim muli sa RT-PCR test kung saan nagpositibo ang lalaking pasyente na nakaranas ng ubo at pneumonia.

Isinailalim na ngayon sa ‘isolation’ ang mga kasama sa bahay ng pasyente kabilang ang kaniyang nobya, ina at dalawang kapatid. Isinailalim din sila sa swab testing.

Wala umanong ‘exposure’ ang magkasintahan sa isang COVID-19 positive bago umalis ng bansa.  Pagdating nila ng Dubai, dumalo sila sa ilang business meeting at namasyal sa mga mall at parke.

Sa 159 pasahero ng Emirates Flight No. EK 332 na sinakyan ng pas­yente pabalik ng Pilipinas, 92 sa kanila ang kinontak na ng contact tracers at 52 ang sumagot sa tawag. Hinahanap na ngayon ng mga contact tracers ang ibang pasahero sa kanilang mga address.

Samantala, inirerekomenda na ng DOH na isailalim na rin sa travel ban ang UAE na pinanggalingan ng pasyente.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with